DSWD: 12.28 milyong benepisyaryo, nakatanggap mula sa SAP 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Nasa 86 porsyento na ang distribusyon o mahigit 12 milyong benepisyaryo na ang nakatatanggap mula sa ikalawang bugso ng ayudang pinansyal para mga mahihirap na pamilyang pinakaapektado ng Covid-19 pandemic, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Agosto 14.

Sinabi ni DSWD Spokesperson Undersecretary Irene Dumlao na mahigit P74.2 bilyon na ang nailabas sa mga financial service providers na tinugunan ang mahigit 12.28 milyong benepisyaryo ng ikalawang bugso ng social amelioration program (SAP), batay sa nakalap na ulat noong Agosto 13.

Itinakda ng DSWD ang deadline ng distribusyon sa Agosto 15.

“Since patuloy tayong nagpo-process ng ayuda sa ating kababayan, we are expecting this number to increase,” she said.

Nakatanggap din umano ng ayuda mula sa SAP ang mahigit 115,000 ride-hailing at jeepney drivers na nasa waitlist mula sa National Capital Region at iba pang lugar, dagdag pa ni Dumlao.

Hinikayat naman niya ang mga benepisyaryo na magtungo lamang sa mga designated remittance centers kung makatanggap ng text na naglalaman ng scheduled time at date para sa pagkuha ng ayuda.

Ito ay upang maiwasan ang matagal na paghihintay sa pila ng mga tatanggap at para matiyak na rin ang pagsunod sa minimum health requirements.

LATEST

LATEST

TRENDING