Presyo ng face shield, itinakda ng pamahalaan sa P26 hanggang P50

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Agosto 13 na dapat ibenta lamang ang face shields nang naaayon sa suggested retail price na P26 hanggang P50 para sa non-medical grade face shields, batay sa memorandum ng Department of Health (DOH).

Ang nasabing memorandum, na nagtakda ng SRP, ay inilabas ilang araw bago maging epektibo ang kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na gawing mandatoryo ang pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong transportasyon.

The DOH issued Department Memorandum Circular (DMC) No. 2020-0345 that sets the SRP of face shields to P26.00 – P50.00. The Health Department clarifies that this only applies to basic non-medical grade face shields for community use (Inilabas ng DOH ang Department Memorandum Circular (DMC) No. 2020-0345 na nagtakda ng SRP para sa face shields sa P26 hanggang P50. Nilinaw ng DOH na para lamang ito sa basic non-medical grade face shields para sa publiko),” pahayag ng DTI.

Maglalabas naman umano ng panibagong memorandum para sa medical grade face shields.

Bagama’t DOH ang nangunguna para pangasiwaan ang mga face shields, titiyakin naman aniya ng DTI na rasonable ang mga presyo ng medical devices ngayong panahon ng pandemiya, ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo.

Nagsagawa rin si Castelo ng spot-check at monitoring sa Manila.

Ayon sa opisyal, ilang establishimento ang nagbebenta ng face shields sa halagang P28 hanggang P70. Nagtakda naman ng sampung pirasong limitasyon ang ilang mga tindahan para masiguro ang sapat na suplay ng mga ito, paliwanag ng DTI.

Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na gumamit ng do-it-yourself (DIY) face shields na yari sa plastic, acetate o bote ng soft drinks na gawa sa Polyvinyl Chloride (PVC) plastics.

LATEST

LATEST

TRENDING