Pagsuot ng face shield sa pinagtatrabahuhang lugar, mandatoryo na simula Agosto 15

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: KJ Rosales (The Philippine STAR)

Gagawin nang mandatoryo para sa mga empleyado ang pagsusuot ng face shields sa kani-kanilang working areas simula Agosto 15, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Effective August 15, it is not only face mask that workers should wear but also face shields. That is the new protocol (Sa Agosto, 15, hindi lamang face masks ang dapat isuot ng mga manggagawa kundi pati ang face shields. Ito ang bagong panuntunan),” ani Bello.

Inabisuhan din umano ng Inter-Agency Task Force ang mga employers na mamahagi ng face shields para sa kanilang mga empleyado.

Hindi aniya papapasukin sa trabaho ang mga manggagawa na hindi susunod sa bagong alituntunin.

Ayon kay Bello, ang bagong kautusuan ay karagdagang proteksyon upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa lugar na pinagtatrabahuhan.

Sa inilabas namang Memorandum Circular No. 2020-014, ipinag-utos din ng Department of Transportation ang pagsusuot ng face shields para sa mga commuters kapag nasa pampublikong transportasyon simula Agosto 15.

Naunang binanggit ng ahensya na ang pagsusuot ng parehong face shield at face mask, bukod sa pag-obserba ng physical distancing, ay epektibong makababawas sa transmisyon ng Covid-19 nang aabot sa 99 porsyento.

Una ring hinikayat ng pamahalaan ang paggamit ng face shields hindi lamang sa lugar na pinagtatrabahuhan o sa pumpublikong transportasyon, kundi pati na rin sa mga papumblikong lugar tulad ng palengke, ospital, at quarantine facilities.

LATEST

LATEST

TRENDING