Malacañang: Walang iregularidad sa pagtanggap ng isang Davao hospital ng pinakamalaking pondo mula PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinahayag ng Malacañang noong Agosto 12 na walang mali sa naiulat na nakatanggap ang isang ospital sa Lungsod ng Davao ng pinakamalaking payout mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa coronavirus treatments, dahil may malaking bed capacity umano ang medical facility.

Nakatanggap ang Davao City-based na Southern Philippines Medical Center (SPMC) ng pinakamataas na halaga sa ilalim ng internal reimbursement mechanism (IRM) ng PhilHealth para sa paggamot ng Covid-19 patients, batay sa ipinakitang presentasyon ni PhilHealth legal counsel Roberto Labe Jr.

Ang usapin sa IRM ay tinalakay sa Senado noong Agosto 11, kung saan ginanap ang ikalawang bahagi ng imbestigasyon tungkol sa mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth – kabilang ang overpayments at overpriced procurement ng ilang items.

We find nothing irregular in the PhilHealth Interim Reimbursement Mechanism allocation of Southern Philippines Medical Center (Walang iregular sa alokasyon ng PhilHealth IRM sa Southern Philippines Medical Center),” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dahil may malaking bed-capacity umano ang ospital.

Dagdag pa niya, “Historically, SPMC has had the biggest amount of claims due to its regular provision of health care services to patients all over Mindanao (Sa kasaysayan, pinakamalaki talaga ang natatanggap ng SPMC dahil sa regular na health care services nito para sa mga pasyente ng Mindanao)”.

Idiniin na Roque na aabot sa 1,500 ang bilang ng mga higaan ng ospital at may tinatayang 3,600 na mga manggagawa rin ito. Ang SPMC ang pinakamalaking pampublikong ospital sa bansa.

Bagama’t ang SPMC ang nakatatanggap ng pinakamalaking reimbursement cut mula PhilHealth, ito rin ang may pinakamalaking income para sa ahensya na umabot sa average na P1.2 bilyong kita mula 2018 hanggang 2019, ayon kay Roque.

Nagreklamo naman ang ilang pampribadong mga ospital na hindi aniya nakatatanggap ng reimbursements sa ilalim ng IRM.

LATEST

LATEST

TRENDING