Nakatakdang mag-anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan sa Lunes, Agosto 17, para pag-usapan ang mga panibagong klasipikasyon ng community quarantine na ipatutupad sa buong bansa, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Ang 15-day modified enhanced community quarantine na kasalukuyang umiiral sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan, at Laguna ay magtatapos sa Agosto 18.
Ayon kay Roque, maliit ang posibilidad na papalawigin pa ang mahigpit na lockdown sa mga nabanggit na lugar sapagkat wala nang maibibigay na ayudang pinansyal ang pamahalaan para sa mga mahihirap na pamilyang pinakaapektado ng lockdown.
Naisumite na rin aniya ang mga quarantine recommendations para sa iba pang mga lungsod at lalawigan na ipatutupad mula Agosto 16 hanggang 31.
Mahigit 4,400 na mga panibagong Covid-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) noong Agosto 12, para sa kabuuang bilang na 143,749.