Pumalo na sa mahigit 20 milyong mga kaso ng Covid-19 ang naitala sa buong mundo, batay sa datos ng US-based Johns Hopkins University noong Agosto 10.
Aabot na sa 20,001,019 ang mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa buong mundo.
Sa bilang na ito, 733,897 katao na ang nasawi, habang 12,209,074 naman ang gumaling.
Simula nang madiskubre sa Wuhan, China ang nakamamatay na sakit noong Disyembre 2019, lumaganap na ito sa hindi bababa sa 188 na mga bansa at teritoryo.
Estados Unidos ang nangungunang bansa sa dami ng mga kaso na umabot na sa 5,085,821. Sinundan naman ito ng Brazil na may mahigit tatlong milyong kaso, at India na may mahigit dalawang milyon.