Lebanese gov’t, nagbitiw matapos ang naganap na pagsabog sa Beirut

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mohamed Azakir (Reuters)

Inanunsyo ni Lebanese Prime Minister Hassan Diab noong Agosto 10 ang resignasyon ng kanyang pamahalaan, matapos sumiklab ang kaliwa’t-kanang kilos-protesta sa dahil sa naganap na mapaminsalang pagsabog sa Beirut, ang kabisera ng bansa.

Ayon kay Diab, nagpasya ang pamahalaan na mag-resign alinsunod sa kahilingan ng mga tao nito para sa tunay na pagbabago.

Niyanig ang Beirut noong nakaraang linggo ng dalawang malaking pagsabog na ikinamatay ng hindi bababa sa 158 katao, habang 6,000 naman ang sugatan.

Libu-libo ang nagtungo sa mga lansangan ng Beirut para ipanawagan ang pagbabago sa pamahalaan.

Inakusahan ng mga Lebanese ang naghaharing mga pulitiko ng kapabayaan dahil sa pag-iimbak ng maraming ammonium nitrate sa Port of Beirut na posibleng naging ugat ng mga malalaking pagsabog.

Iginiit naman ni Diab na hindi siya mananagot para sa mga kurap na aktibidad ng mga nagdaang gobyerno.

Weeks after the formation of our government, some political parties tried to hold us accountable for corruption, public debt, and economic collapse (Ilang linggo matapos mabuo ang aming pamahalaan, ilang mga partidong pulitikal ang pinapanagot kami dahil sa katiwalian, utang, at pagbagsak ng ekonomiya),” ani Diab.

Idiniin niyang ginawa ng bawat opsiyal ng kanyang Gabinete ang makakaya nito para magbahagi ng kontribusyon sa roadmap na magliligtas sa bansa.

We are keen about this country, its future and the future of our children. We do not have personal interests. We want the good for this country, but we refuse to be dragged to useless arguments. Unfortunately, we could not stop some political parties from inciting people against us (May pakialam kami sa bansang ito, at ang kinabukasan ng kabataan. Wala kaming personal na interes. Nais namin ang ikabubuti ng bansang ito, subalit hindi kami papatol sa mga walang kwentang argumento. Subalit, hindi namin mapigilan ang ilang mga partido na hikayatin ang tao laban sa amin),” paliwanag ni Diab.

Inakusahan ng prime minister ang mga partidong pulitikal na masyadong kurap aniya kaya hindi ito makapaglunsad ng mga pagbabago at reporma para sa bansa.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa mga pagsabog. Inaresto naman ang tatlong senior officials at 16 port employees noong Agosto 7 kaugnay sa nangyaring trahedya.

Nangako naman ang mga Lebanese na hindi sila aalis sa mga lansangan hangga’t magbitiw ang pamahalaan at magdaos ng maagang parliamentary elections.

Itinalaga si Diab noong Disyembre 2019 matapos magbitiw ang dating pamahalaan ni Prime Minister Saad Hariri dahil sa malawakang protesta.

Sa termino ni Diab, nasaksihan ng bansa ang shortage sa U.S. dollar, paghina ng Lebanese pound, pagtaas ng inflation rate, at paglaganap ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING