Duterte, posibleng gamitin ang militar sa pagpapatupad ng quarantine protocols

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 10 na posible siyang mapilitang gamitin ang militar sa pagpapatupad ng quarantine protocols kung patuloy pa ring susuway ang mga tao sa mga itinakdang panuntunan habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Duterte, posibleng magdeploy ng mga sundalo ang pamahalaan kung patuloy na aakyat ang bilang ng Covid-19 cases.

Aniya, “Sabi ko sa inyo, hindi ko kayo lahat mapigilan. The police cannot be everywhere and anywhere all the time. The military is not part of the governance yet in the matter of using force, or at least intimidating you with soldiers. Far from it, we do not have that plan (Hindi posibleng palaging nariyan ang kapulisan. Hindi rin kabahagi ng pamamahala ang militar sa paggamit ng lakas o pananakot. Wala tayong ganyang plano)”.

“But, ‘pag hindi talaga madala, and it’s a runaway contagion, mapipilitan akong magamit ang military kasi talagang kulang ang pulis. Ngayon kung nandiyan ang military to enforce you to obey itong community lockdown,” dagdag pa ni Duterte.

Umapela rin ang pangulo sa publiko na sundin ang quarantine protocols para mapigilan ang lalo pang paglaganap ng coronavirus.

“Sumunod kayo dahil para sa inyo ‘yan. Tingnan ninyo ‘yan, sige kayo labas. Dumami ‘yung contamination, ‘yung pasa,” giit ng pangulo.

Noong Agosto 4, ibinalik ni Duterte ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan bilang pagtugon sa panawagan ng medical frontliners para sa isang “time out”.

Batay sa datos noong Agosto 10, pumalo na sa 136,638 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa. Sa bilang na ito, 66,186 ang active cases, 68,159 ang gumaling, at 2,293 naman ang nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING