Cayetano, hindi umano humiling kay PRRD na panatilihin siya sa puwesto kapalit ang pagtanggi sa ABS-CBN franchise

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Alan Peter Cayetano

“Hundred percent false,” ito ang tugon ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga ulat na humiling umano ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin siya sa puwesto bilang pinuno ng Kamara kapalit ang pagtanggi sa aplikasyon para sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN.

Aniya, “Kung sinuman gustong mag-accuse, eye-to-eye, mag-lie detector test tayo. Kung sinong matalo sa lie detector test ay tumigil na sa kanyang profession”.

“It’s a hundred percent not true. Wala kaming usapan ng Pangulo about staying, wala kaming usapan ng Pangulo ng any reward or whatever sa ABS-CBN,” dagdag pa ni Cayetano.

Iginiit ni Cayetano na tanging pagdaraos lamang ng patas na pagdinig tungkol sa ABS-CBN isyu ang kanyang ipinangako kay Duterte.

Nakatakdang bumaba sa kanyang puwesto bilang Speaker si Cayetano sa Oktubre. Siya naman ay papalitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na magiging susunod na House Speaker hanggang Hunyo 2022 – bilang kabahagi ng kanilang kasunduan sa term-sharing na inendorso ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING