PH, umalma nang ilarawan ito ng isang Thai newspaper bilang ‘land of Covid-19’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Umalma ang Pilipinas noong Agosto 10 nang ipahayag sa headline ng isang pahayagan sa Thailand na may dumating sa Bangkok na mga Pilipinong guro mula sa “land of Covid-19″.

Noong Agosto 6, naungusan ng Pilipinas ang Indonesia bilang bansang may pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases sa Southeast Asia.

Samantala, isa naman ang Thailand sa mga “modelong” bansa sa pagtugon sa Covid-19 pandemic.

The Philippine embassy wishes to express its deep dissatisfaction over the characterization in the headline of the Philippines in relation to the return of the teachers (Nais ipahayag ng embahada ng Pilipinas ang labis na pagkadismaya sa naging paglalarawan sa Pilipinas dahil sa pagbabalik ng mga guro),” giit ni Philippine Consul General to Bangkok Val Simon Roque sa isang liham para sa editor in chief ng nasabing pahayagan.

Dagdag pa ni Roque, “The characterization is inappropriate, insensitive, and unhelpful at a time when all of us, brothers and sisters in the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), are closely cooperating to deal with the new and unforeseen challenges brought about by the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic (Ang paglalarawan ay hindi tama, insensitibo, at hindi nakatutulong sa panahong tayo, bilang magkakapatid sa ASEAN, ay magkakasamang nakikipagkooperasyon sa pagtugon sa Covid-19 pandemic)”.

Ito ang naging reaksyon ng Philippine embassy sa headline ng Thai Rath, isang lokal na pahayagan, na inilarawan ang Pilipinas bilang “land of Covid-19”.

Nagbabala naman ang human rights advocates sa pagtaas ng xenophobia, o racial discrimination, laban sa mga taong nagmumula sa mga bansang may matataas na bilang ng Covid-19 cases.

Naitala naman ng Pilipinas noong Agosto 10 ang halos 7,000 na mga panibagong Covid-19 cases, para sa kabuuang bilang na 136,638. Pumalo naman ang bilang ng mga namamatay dahil sa coronavirus sa 2,293. 

LATEST

LATEST

TRENDING