Morales, nais mag-medical leave habang iniimbestigahan ang PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Philhealth President at CEO Ricardo Morales

Ipinahayag ng pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Agosto 10 ang kanyang intensyon na mag-medical leave, matapos ibalitang sumasailalim ito sa gamutan para sa isang iniindang karamdaman.

Si Philhealth President at CEO Ricardo Morales ay sumasailalim sa chemotherapy para sa lymphoma o cancer ng lymph nodes at sinabing hihintay pa niya ang desisyon ng kanyang mga nakatataas tungkol sa kanyang hiling.

Aniya, “I have already relayed to my bosses my intentions, and it’s up to them to decide. My fate is in their hands. Medical leave. But they still haven’t decided, so I’m still awaiting (Ipinahayag ko na sa aking mga boss ang aking intensyon, at sila na ang bahala rito. Sa kanila nakasalalay ang kapalaran ko. Medical leave. Subalit, hindi pa sila nagpapasya at ako’y naghihintay)”.

Naunang hiniling ni Morales sa Senado kung maaaring birtuwal siyang dumalo sa pagdinig sa Agosto 11 tungkol sa mga alegasyon ng katiwalian sa ahensya. Ito ay dahil sumasailalim siya sa gamutan simula pa umano noong Pebrero.

Nagsagawa ang parehong Kamara at Senado ng imbestigasyon tungkol sa iba’t-ibang kontrobersiyang bumabalot sa PhilHealth – partikular na ang umano’y katiwalian ng mga opisyal nito.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado, ibinugyag ng dating anti-legal fraud officer ng ahensya na si Thorrsson Montes Keith na ninakaw ng mga opisyal ng ahensya ang aabot sa P15 bilyong pondo, bagay na tinanggihan ni Morales.

Binuo naman ang isang multi-agency task force sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) para pormal na imbestigahan ang mga alegasyon at iregularidad sa PhilHealth.

LATEST

LATEST