Duterte, inaming paubos na ang pera ng pamahalaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati noong Agosto 10 na “wala nang pera” ang pamahalaan, kasabay ang pagsang-ayon sa panawagan ng mga doktor na mag-implementa ng mas mahabang lockdown para epektibong matugunan ang Covid-19 pandemic sa bansa.

Ikinalungkot ng pangulo ang pagkaubos ng pera na inilaan para sa mga apektadong sektor bunsod ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa pangulo, may mga kinakailangang magtrabaho para makapagbigay sa pamilya bagama’t nananatili pa rin ang banta ng coronavirus.

Aniya, “Alam mo, sa mga doktor, sabihin ko sa inyo. Hindi ko na sila (public) mapigilan, dahil po wala na akong pera na ibigay sa kanila. Kaya kailangan sila lumabas para magtrabaho. I-lockdown ko, ubos na ‘yung pera na ibinigay ng Congress na bigyan kayo ng ayuda. ‘Yung pera panggastos, wala na ako niyan”.

Naglabas ng DSWD ng kabuuang P66 bilyon bilang kabahagi ng social amerlioration program (SAP) para sa mga mahihirap na pamilyang malubhang naapektuhan ng pandemiya.

Suportado naman ni Duterte ang panawagan ng medical community  para sa mas mahabang lockdown upang matugunan ang lumalalang transmisyon ng Covid-19 sa bansa.

So I’m telling the doctors, as much as I want to give in to your demands, especially in the matter of lockdown… I want it because I don’t want the contamination to continue…it’s a continuing thing (Sinasabi ko sa mga doktor, gustuhin ko mang tuparin ang inyong mga hiling, lalo na sa lockdown… Gusto ko ito kasi ayaw kong magpatuloy ang kontaminasyon),” ani Duterte.

Nauna namang ipinahayag ng Philippine College of Physicians na hindi sila kuntento sa pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang Agosto 18.

We understand that imposing ECQ is a complex decision… health may just be one dimension especially for the economic expert, but remember that we need healthy people to reinvigorate our economy (Nauunawaan naming mahirap na desisyon ang pag-iimplementa ng ECQ… isang dimensyon lamang ang kalusugan para sa economic expert, subalit dapat nating isipin na kailangan natin ng malusog na taumbayan para maibangon ang ekonomiya),” paliwanag ni Dr. Maricar Limpin, pangalawang pangulo ng grupo.

Ayon naman sa mga eksperto sa academe, hindi sapat ang dalawang linggong MECQ para maibaba ang bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa.

Pumalo na sa 136,638 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, na may 66,186 active cases. 2,293 katao na ang nasawi habang 68,159 naman ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING