Lacson sa PhilHealth officials na hindi dadalo sa pagdinig: ‘Kawalan nila’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Panfilo “Ping” Lacson

“Kawalan nila,” ang sagot ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nang magpaalam ang dalawang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi sila makadadalo sa itinakdang pagdinig sa Senado tungkol sa mga iregularidad sa korporasyon.

Inabisuhan ng kanyang doktor si PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales na mag-leave of absence dahil sa chemotherapy buhat ng iniindang lymphoma.

Nagsumite naman ng liham si PhilHealth executive vice president at COO Arnel de Jesus kay Senate President Vicente Sotto III na hindi rin ito makadadalo sa nasabing pagdinig dahil sa isang medical emergency.

Iginiit ni Lacson na hindi kawalan ng Senado kung hindi makadadalo ang dalawang opisyal dahil sila aniya ang hindi makakasagot sa mga ipapahayag ng mga resource persons.

May hawak din umanong mga dokumento ang Senado na magpapatunay sa mga anomalya sa PhilHealth.

Gayunpaman, hiniling ni Lacson ang agarang paggaling ni Morales.

Magaganap ang ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole tungkol sa isyu ng katiwalian at iregularidad ng PhilHealth sa Martes, Agosto 11.

LATEST

LATEST

TRENDING