Duterte, naglaan ng karagdagang P5 bilyon para sa mga apektadong OFWs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P5 bilyong badyet para sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang gamitin bilang ayuda sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemiya.

“Malaking bahagi” ng nasabing pondo ay ilalaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang overseer sa OFW repatriation, kung saan tinutugunan ang mga pangangailangan ng OFWs sa kanilang pag-uwi sa bansa.

Ayon sa departamento, 129,141 OFWs na ang natulungang makauwi simula noong Mayo 15 at nakapagbigay din ang pamahalaan ng one-time P10,000 o $200 na ayudang pinansyal sa mahigit 233,000 migrant workers, para sa kabuuang P2.388 bilyon, base sa datos noong Agosto 8.

Samantala, 9,725 na mga Pilipino abroad naman ang tinamaan ng Covid-19, kung saan 708 ang nasawi at 5,760 ang gumaling, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

LATEST

LATEST

TRENDING