Dating opisyal ng DepEd, nais i-delay ang pagbubukas ng klase

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jojo Rinoza (BenarNews)

Umapela ang isang dating opisyal ng Department of Education (DepEd) noong Agosto 9 kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-delay muna ang itinakdang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 dahil hindi pa aniya handa ang mga paaralan na iimplementa ang iba’t-ibang modes ng pagtuturo.

Humiling si Parents-Teachers Alliance chairman Emilio “Jun” Abelita, na dating DepEd assistant secretary, kay Duterte na i-postpone muna nang dalawa hanggang tatlo pang buwan ang pagbubukas ng pasukan para mabigyan ng sapat na oras na makapaghanda para sa distance learning.

What is 2 or 3 months in the waiting rather than go through a process (Ano ba ang 2 o 3 buwang paghihintay kaysa ipagpatuloy ang proseso) na hindi natin sigurado?” giit ni Abelita.

Ayon kay Abelita, kulang pa ang materyales ng mga guro para sa darating na school year at hindi pa rin alam ng mga ito kung paano ipatutupad ang distance learning.

Aniya, “They don’t even know what to do (Hindi nila alam kung ano ang gagawin). Wala pa silang materyales. Even the methodology, hindi pa clear cut sa kanila”.

Samantala, idiniin naman ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na tuloy pa rin ang itinakdang petsa ng pagbubukas ng klase.

Subalit, posible umanong magbigay ng update si DepEd Secretary Leonor Briones sa pangulo at magrekomenda ng postponement sa petsa ng pagbubukas ng pasukan anumang araw ngayong linggo.

Batay sa datos ng ahensya, tinatayang 22.9 milyong mag-aaral ang nagpa-enroll para sa darating na school year.

Nananatiling bawal ang in-person classes dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic, kung saan umabot na sa 126,885 ang Covid-19 cases sa bansa.

Plano ng DepEd na isakatuparan ang blended learning sa pamamagitan ng printed at digital modules, online classes, telebisyon, at radyo.

LATEST

LATEST