Morales, inabisuhang mag-leave ng kanyang doktor dahil sa chemotherapy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth President at CEO Ricardo Morales

Habang nasa kalagitnaan ng imbestigasyon ang kanyang ahensya dahil sa katiwalian, inabisuhan ng kanyang doktor si Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) President at CEO Ricardo Morales na mag-leave habang sumasailalim ito sa chemotherapy para sa lymphoma. 

Sa isinumiteng medical certificate sa Senate Committee of the Whole, na kasalukuyang iniimbestigahan ang mga anomalya sa PhilHealth, ipinahayag ng attending oncologist ni Morales na sumasailalim ito sa cancer treatment sa Cardinal Santos Medical Center. 

Si Morales ay sasailalim umano sa repeat PET CT pagkatapos ng kanyang chemotherapy cycles. Pagkatapos nito, gagawa naman ng rekomendasyon aniya ang kanyang doktor kung maaari na itong bumalik sa trabaho.

Ayon sa isinumiteng dokumento, mayroong Diffuse Large B cell Lymphoma si Morales. Ito ay itinuturing na “potentially curable,” batay sa US Lymphoma Research Foundation. 

Hindi naman makadadalo sa itinakdang pagdinig sa Martes si Executive Vice President at COO Arnel De Jesus dahil sa mga iniindang karamdaman.

Sa kanyang liham kay Senate President Vicente Sotto III, iginiit ni De Jesus na hindi siya makakapunta sa susunod na hearing sa Martes dahil sa “unforeseen medical emergency.”

Anim na sakit ang inilista ni De Jesus, kabilang ang heart disease at diabetes. 

LATEST

LATEST

TRENDING