Duterte: ASEAN, malalagpasan ang Covid-19 sa pamamagitan ng ‘partnership’ at ‘mutual aid’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang partnership at mutual aid ng mga bansa sa Southeast ay makatutulong sa pagbangon ng rehiyon mula sa pinsalang hatid ng Covid-19 pandemic.

Ipinahayag ito ni Duterte kasabay nang pagmarka sa ika-53 na anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Agosto 8.

Sa isang pahayag, binigyang diin ng pangulo na mas naging matatag ang commitment ng ASEAN sa community-building bagama’t nahaharap sa kanya-kanyang hamon ang mga miyembrong bansa, partikular na ang Covid-19 pandemic.

Bouncing back from the pandemic appears to be a daunting task. But if pursued with friends, the burden is shared and transformed into an opportunity to create a more resilient Southeast Asian region (Tila napakahirap ang bumangon mula sa pandemiya. Subalit, kung magtutulungan ang magkakaibigan, magiging magaan ang pasanin at magkakaroon ng oportunidad para sa mas matatag na Southeast Asian region),” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, ang pagkakaroon ng parehong malalim na layunin ang susi sa pagpapatuloy ng pagkakaisa ng mga bansa sa ASEAN at pagpapaigting sa relasyon ng mga kaibigan sa loob at labas ng rehiyon.

Aniya, “We are confident that the ASEAN way of partnership and mutual aid will help us overcome the COVID-19 pandemic and move forward with our community-building endeavors (Kumpiyansa kami na ang partnership at mutual aid ng ASEAN ay makatutulong sa atin upang malagpasan ang Covid-19 pandemic at maisakatuparan ang ating mga hakbang sa community-building),”.

Itinatag ang ASEAN noong Agosto 8, 1967 sa Bangkok, Thailand nang lagdaan ang ASEAN Declaration o  Bangkok Declaration ng mga founding members nitong Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand.

Sumali naman ang Brunei noong Enero 7, 1984; Vietnam noong Hulyo 28, 1995; Laos at Myanmar noong Hulyo 23, 1997; at Cambodia noong Abril 30, 1999, para buuin ang kasalukuyang 10 member-states ng ASEAN.

Ayon kay Duterte, layon ng founding members ng ASEAN ang pagtatatag ng pagkakaibigan at kooperasyon para masiguro sa bawat miyembrong bansa ang pangmatagalang kapayapaan, kalayaan, at kaunlaran.

LATEST

LATEST

TRENDING