Bagong task force na binuo ni PRRD, inaasahang ‘wawakasan ang kurapsyon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hinikayat ni Senador Bong Go ang mga ahensya ng pamahalaan na makipagkooperasyon at suportahan ang binuong bagong task force na layong sugpuin ang malalim at sistematikong katiwalian sa pamahalaan.

While we’re fighting COVID-19, we won’t stop until we properly address the severe sickness brought on by corruption in the entire government system (Habang nilalabanan natin ang Covid-19, hindi kami titigil hangga’t hindi nareresolba ang kurapsyon sa buong pamahalaan),” pahayag ni Go na siyang chairman ng Senate committee on health.

Iginiit ng senador na hindi hihinto si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang laban kontra kurapsyon.

Sa binuong bagong task force, naniniwala si Go na gagawin nito ang lahat para wakasan ang katiwalian sa PhilHealth – sa lahat ng aspeto ng organisasyon.

With more teeth, we expect this task force to discharge its key mandates without fear or favor and with greater haste. These mandates shall include the authority to initiate thorough investigation, conduct audit and lifestyle checks, recommend suspensions, prosecute and file cases and ensure that those accountable be put in jail (Inaasahan nating isasagawa ng task force ang mandato nito nang walang takot at pinapaboran dahil may pangil ito. Kabilang sa mandatong ito ang maglunsad ng imbestigasyon, audit, at lifestyle checks; magrekomenda ng suspensyon; at kasuhan ang mga suspek para tiyaking makukulong ang mga ito),” paliwanag ni Go.

Samantala, hinikayat naman ni Senate President Vicente Sotto III si retired Brig. Gen. Augustus de Villa, na nagbitiw bilang PhilHealth vice president for operations, na isiwalat ang lahat ng katotohanang kanyang nalalaman.

Habang inaasahan nitong ibubunyag ni De Villa ang kanyang nalalaman hinggil sa anomalya sa PhilHealth, hindi naman aniya ito agarang maituturing na “witness”.

It depends on his testimony. He must have a very good reason for resigning in the midst of the controversy (Depende ito sa kanyang testimonya. Siguro may magandang rason siya sa pagbibitiw sa kalagitnaan ng kontrobersiya),” ani Sotto.

Ayon naman kay Senador Panfilo Lacson, posible umanong may “core group” na siyang pangunahing salarin sa talamak na kurapsyon sa PhilHealth, na hindi nabubuwag kahit na nagbabago ang liderato ng ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING