Kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang delikado ang magbitiw ng mga kritikal na pahayag tungkol sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Agosto 7.
51 percent ng Filipino adults ang sumang-ayon sa pahayag na “it is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth (delikado ang mag-print o mag-broadcast ng kahit anumang bagay na kritikal sa administrasyon, kahit ito ay totoo),” ani SWS, na katumbas sa +21 net agreement score.
30 percent naman ang tumanggi, habang 18 percent ang hindi tiyak.
Ang net agreement ngayong taon tungkol sa pag-uulat nang kritikal laban sa Duterte administration ay mas mababa nang 10 puntos sa moderate +21 kumpara sa strong +31 na iniulat ng SWS noong Hunyo 2019.
Ang mga mariing tumanggi naman ay umakyat sa 17 percent mula 8 percent noong 2019, habang ang mga bahagyang tumatanggi ay tumaas sa 14 percent mula 12 percent.
Ang mga hindi tiyak naman ay bumaba mula 29 percent patungong 18 percent.
Kumpara sa Hunyo 2019 poll, sinabi ng SWS na nanatiling matatag ang net agreement sa Mindanao and Visayas, subalit bumagsak naman sa Metro Manila at Balance Luzon.
Isinagawa ang non-commissioned survey mula Hulyo 3 hanggang 6 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone, kung saan kinapanayam ang 1,555 adult Filipinos sa buong bansa.
Ito ay may sampling error margin na ±2 percent para sa national percentages.