Russia, nakahandang magbigay ng bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Vladimir Putin ng Russia
Larawan mula sa: BusinessMirror

Ipinahayag ng Russia noong Agosto 7 na nakahanda itong magsuplay ng mga bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas, at iginiit na nakagawa na ito ng “ligtas” at “epektibong” lunas laban sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Russian ambassador Igor Khovaev, plano rin ng Russia na magsagawa ng clinical trials at magtatag ng vaccine production hub sa bansa kung aaprubahan ito ng pamahalaan ng Pilipinas.

We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations (Handa kaming pagsamahin ang mga hakbang, handa kaming mag-invest sa aming Filipino partners, at handa kaming ibahagi ang aming teknolohiya kasi gusto naming patatagin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa),” ani Khovaev.

Iginiit ni Khovaev na “kinokonsidera” na ng Pilipinas ang mga panukala ng Russia.

Dagdag pa nito, “We don’t make promises. We make suggestions based on what we already know and what we have done. We are waiting for a feedback (Wala kaming pangako. Naghahain lamang kami ng suhestyon base sa aming mga nagawa. Naghihintay kami ng tugon)”.

Ipinahayag din ng ambassador na mabuti ang kalagayan ng isang grupo ng mga boluntaryo sa Russia na sumailalim sa ilang vaccine trials.

We already have the vaccine so all necessary bureaucratic procedures in order to get an official administrative approval might be completed until mid-August (Hawak na namin ang bakuna at lahat ng pagdadaanang proseso para sa pag-apruba ay posibleng makumpleto sa gitna ng Agosto), paglilinaw ni Khovaev.

LATEST

LATEST