Sotto: I-reshuffle ang PhilHealth officials at magtalaga ng businessman bilang pangulo ng ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Joseph Vidal (Senate PRIB)

Ipinahayag ni Senate President Vicente Sotto III noong Agosto 5 na kinakailangang i-resuffle ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) at magtalaga ng isang “good” businessman para pangunahan ang ahensya at tuluyang mawakasan ang kurapsyon dito.

Ayon kay Sotto, naging talamak pa rin ang alegasyon ng kurapsyon bagama’t nagtalaga na ng mga doktor at heneral bilang pangulo ng korporasyon noong mga nagdaang taon.

“Businessman ang ilagay mo kasi ang PhilHealth ay negosyo,” giit ni Sotto.

Dagdag pa niya, “Kung meron kang businessman na magaling, matino na tatanggapin yan… pipiliin mo yung businessman. Hindi mo maloloko sa pera ang businessman,” he said.

Sinabi ni Sotto na magandang kandidato para sa puwesto si San Miguel Corp chief Ramon Ang, subalit baka hindi raw niya tanggapin ang trabaho.

Dapat din umanong sibakin ang mga opisyal na sangkot sa mga tiwaling aktibidad sa halip na ilipat lamang sila sa ibang departamento.

Aniya, “We have to clean it up first (Kailangan munang linisin)… Kailangan matanggal natin pati mga duda,” he said.

Samantala, wala namang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto si PhilHealth chief executive officer Ricardo Morales kung walang ebidensiya laban sa kanya, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Inirekomenda naman ng Presidential Anti-Corruption Commission ang pagsasampa ng mga kaso laban sa 36 PhilHealth “high-ranking and mid-level” dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Hindi naman nilinaw ng PACC kung kabilang dito sina Morales at iba pang PhilHealth executives.

LATEST

LATEST

TRENDING