Morales, itinangging ibinulsa ng PhilHealth officials ang P15 B pondo ng korporasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PhilHealth President at CEO Ricardo Morales
Kuha ni: Nino Jesus Orbeta (Inquirer)

Itinanggi ng pangulo at CEO ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) noong Agosto 6 ang mga alegasyon na ninakaw ng mga senior officials ang aabot sa ₱15 bilyong pondo ng korporasyon.

Sa isang pahayag, iginiit ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na “mariin” nitong tinatanggihan ang mga paratang na binulsa ng mga senior officials ng ahensya ang naturang pondo, taliwas sa akusasyon ng nagbitiw na anti-fraud legal officer na si Thorrsson Keith.

Ayon kay Morales, wala sa posisyon si Keith, na kinuha bilang job order contractor para gumawa ng staff work sa ilalim ng Office of the President, na talakayin ang mga bagay na ito dahil siyam na buwan lamang umano ang itinagal nito sa PhilHealth.

His malicious claims not substantiated by evidence were obviously made to malign officers that rejected his ambitions for higher offices which he is not qualified for (Ang kanyang mga paratang na walang ebidensiya ay layong siraan ang mga opisyal na tinanggihan ang kanyang ambisyon para sa mas mataas na posisyon, kung saan hindi siya kwalipikado),” ani Morales.

Sa naunang ginanap na pagdinig ng Senate Committee of the Whole, ibinunyag ni Keith na kabilang sa ₱15 bilyong ninakaw ang unauthorized release ng interim reimbursement mechanisms o IRM funds na ilaan para sa “fortuitous events” katulad ng pandemiya, para sa mga ospital na walang naitalang Covid-19 cases.

Kabilang din sa nasabing pondo ang overpriced budget para sa IT equipment, kung saan paulit-ulit umano itong in-endorse ni Morales.

Pinabulaanan naman ni Morales na mayroong paboritismo sa inilabas na IRM funds para sa mga ospital, at iginiit na binigyan ng flexibility ang PhilHealth regional offices sa timing ng liquidations.

Naunang umapela si Morales sa mga mambabatas na bigyan sila ng suporta at malasakit, habang sinusubukan nilang tugunan ang mga alegasyon ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal ng PhilHealth.

Aniya, “Sana ho, tulungan natin ang PhilHealth, tulungan. ‘Wag pagtulungan”.

LATEST

LATEST

TRENDING