Lacson, pinaalalahanan si PRRD sa pangako nitong agarang sisibakin ang sinumang masangkot na opisyal sa katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: politics.com.ph

Pinaalalahanan ng isang “dismayadong” Senador Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangako na agarang sisibakin ang mga taong sangkot sa kurapsyon, dahil sa pagtanngi nito na tanngalin sa puwesto ang pinuno ng PhilHealth bagama’t sangkot ito sa maraming anomalya.

Ayon kay Lacson, dapat tingnan umano ni Duterte ang transcript ng isang Senate hearing noong Agosto 4 kung saan dalawang whistleblowers ang nag-akusa kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales ng katiwalian dahil sa pag-apruba nito ng  overpriced equipment at paglabas ng milyun-milyong pondo para sa mga pinapaborang ospital.

Aniya, “Sabi niya (Duterte) kasi noong araw, just a whiff of corruption—‘pag sinabi mong whiff, makaamoy ka lang—you’re fired”.

Of course, we do not question the authority of the President. Iyong hire-and-fire authority is always there, it’s his discretion (Hindi natin kinukwestyon ang awtoridad ng presidente dahil diskresyon na ito)… Pero ‘pag ganito namang may pandemya na pagkatapos ganyan ang maririnig natin, ewan ko kung hindi kayo ma-shock ,” dagdag ng senador. 

Ipinahayag ng Malacañang na hindi tatanggalin si Morales sa puwesto hangga’t walang matibay na ebidensiya laban sa kanya.

Itinanggi naman ni Morales, na dating Army general, na mayroong sindikato sa loob ng korporasyon.

Samantala, hindi naman sumang-ayon ang pangulo sa panawagan ng ilang senador, kabilang si Lacson, na tanggalin bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Secretary Francisco Duque III.

Iginiit ni Lacson na wala namang malaking epekto ang pagpapalit ni Duque sa operasyon ng ahensya.

The structure is there, the organization is there… There are so many qualified members and staff (Nariyan ang istruktura at organisasyon… Napakaraming kwalipikadong miyembro at staff),” ani Lacson.

Ayon sa senador, ang “original sin” umano ni Duque ay ang hindi pag-trace sa mga indibidwal na nakasalamuha ng dalawang kauna-unahang Covid-19 patients sa Pilipinas: mag-asawa galing Wuhan, China, kung saaan unang nadiskubre ang nakamamatay na sakit noong 2019.

Gayunpaman, maganda naman umano ang pagpapasya ng DOH na i-recalibrate ang mga hakbang nito kontra Covid-19 ngayong umiiral ang dalawang linggong lockdown sa Metro Manila at apat na karatig-lalawigan.

But could they do it? That’s another question at this point when we’re already [at the] top in Southeast Asia in terms of infection (Magagawa ba nila ito? Maganda itong tanungin dahil nangunguna na tayo sa Southeast Asia sa bilang ng mga impeksyon),” diin ni Lacson.

LATEST

LATEST

TRENDING