Lacson: Mungkahi ni AFP Chief Gapay para sa regulasyon ng social media, ‘ill-advised’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
AFP Chief of Staff Gilbert Gapay at Senador Panfilo Lacson
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Ang suhestyon ng bagong Philippine military chief na gamitin ang Anti-Terror Law para i-regulate ang social media ay “ill-advised” o hindi naaayon, ayon sa awtor ng batas noong Agosto 6.

Ang nasabing batas ay may “matibay na kwalipikasyon na hindi malalabag ang katipunan ng mga karapatan,” giit ni Senador Panfilo Lacson, isa sa mga prinsipal na awtor ng kontrobersyal na batas.

Dagdag pa ni Lacson, “If we regulate social media or media for that matter, I don’t think the Anti-Terrorism Law will allow that (Kung ire-regulate ang social media o media, sa tingin ko hindi ito papahintulutan ng Anti-Terrorism Law)”.

To say the least, it was an ill-advised statement. We cannot regulate social media (Hindi tama ang naging pahayag. Hindi natin puwedeng i–regulate ang social media),” tugon ni Lacson sa mungkahi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gilbert Gapay. 

Ayon kay Gapay, magbibigay aniya ng mga mungkahi ang militar kung paano ire-regulate ang social media dahil ito umano ang bagong plataporma ng mga terorista para isagawa ang kanilang mga aktibidad.

Naging epektibo ang anti-terror law noong Hulyo bagama’t malakas ang oposisyon nito mula sa iba’t-ibang sektor dahil sa pangambang baka gamitin itong sandata sa pagsupil sa kalayaang magpahayag.

Marami namang naghain ng petisyon para kwestyunin ang konstitusyonalidad nito sa Korte Suprema.

Kumpiyansa naman si Lacson na konstitusyunal ang naturang batas.

There’s so much misinterpretation or misreading of the law (Napakaraming misinterpretasyon o maling pagbasa sa batas),” pahayag ng senador.

LATEST

LATEST

TRENDING