Galvez: 15-day MECQ, hindi sapat para tugunan ang mga layunin ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Isang Covid-19 isolation facility sa Quezon City
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Mahirap umanong maabot ang mga itinakdang layunin ng Department of Health (DOH) bagama’t inilunsad na ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ayon kay National Task Force Against Covid-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr.

Inanunsyo ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire noong Agosto 6 ang mga nais maisakatuparan ng updated Covid-19 response plan na iniimplementa habang nasa lockdown hanggang Agosto 18.

Ang mga layuning ito ay:

-Ihinto ang paggamit ng rapid antibody test kits sa pagkumpirma ng Covid-19 infection

-Tukuyin at buwagin ang mga clusters ng infections

-Wakasan ang stigmatization sa mga Covid-19 patients

-Mag-trace nang hindi bababa sa 37 close contacts sa bawat kumpirmadong kaso

-Hanapin ang mga active cases sa pamamagitan ng house to house sa high-risk communities

-I-refer ang mga suspected at confirmed cases sa quarantine at isolation facilities kung hindi makasusunod sa home quarantine protocols

-Magkaroon ng mataas na compliance rate sa minimum health standards katulad ng pagsusuot ng face masks at pagsasagawa ng physical distancing

-Magkaroon ng zero out-of-pocket expenses para sa Covid-19 patients

-I-test ang lahat ng taong mayroong sintomas ng Covid-19 gamit ang RT-PCR o real-time polymerase chain reaction test

Ayon kay Vergeire, ang updated na estratehiya ng DOH ay layong ibalik ang isang “health focused, driven approach” sa pagresponde sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagpapaigting sa suportang ibinibigay sa mga pamahalaang lokal na pinakanangangailangan nito.

Magdedeploy din umano ng mga teams para i-assess ang high-risk communities para sa compliance sa mga health protocols. Ang resulta ng isasagawang assessment ay imomonitor din aniya para malaman kung ito ay “sapat, akma, at epektibo”.

 “The different goals mentioned are tough…honestly, 15 days are not enough for that (Mahirap ang mga binanggit na target… hindi sapat ang 15 na araw para diyan),” giit ni Secretary Carlito Galvez, Jr.

But we will continue to pursue those objectives (Subalit gagawin pa rin natin ito),” diin ni Galvez.

Iginiit din ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega na “gagawin nila ang mga ipinangako”.

Isinailalim muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan mula Agosto 4 hanggang 18 matapos dumulog ang medical frontliners para sa “timeout”.

LATEST

LATEST

TRENDING