Duterte sa PNP: Manatiling ‘pandemic-resilient’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) noong Agosto 6 na manatiling “pandemic-resilient” habang patuloy ang paglaban ng bansa sa Covid-19 pandemic.

Sa isang taped message para sa ika-119 na anibersaryo ng PNP, nagpasalamat ang pangulo sa mga pulis para sa kanilang pagserbisyo sa panahon ng pandemiya.

I likewise extend our appreciation for your selfless service as frontliners in our fight against [the] Covid-19 pandemic (Pinapahalagahan ko rin ang inyong hindi makasariling pagserbisyo bilang frontliners sa laban kontra Covid-19),” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “I ask you to ensure that the PNP will remain pandemic-resilient by adopting protective protocols in the new normal (Dumudulog ako sa inyo na tiyaking mananatiling ‘pandemic-resilient’ ang PNP sa pamamagitan ng pag-obserba sa protective protocols ng new normal)”.

Batay sa datos noong Agosto 5, nasa 2,347 na ang kumpirmadong Covid-19 cases sa hanay ng kapulisan, kabilang ang 11 na mga nasawi at 1,384 na mga gumaling.

Ayon kay Duterte, bibigyan niya ng prayoridad ang mga pulis at militar kung magkakaroon na ng bakuna kontra Covid-19.

Inilarawan ng pangulo ang mga uniformed personnel bilang “backbone” ng kanyang administrasyon.

LATEST

LATEST