Kukunin bilang contact tracers para ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para sa buong bansa, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto 5.
Sinabi ni Roque na papaigtingin umano ng mga awtoridad ang contact tracing strategy sa Lungsod ng Baguio, kung saan binibigyan ng contact tracing tasks ang mga pulis at inaatasang magmonitor ng mga taong nakasalamuha ng mga Covid-19 patients.
“We need them as soon as possible but learning from the experience of Baguio, Mayor (Benjamin) Magalong did not have to recruit additional personnel. He’s using actually the PNP for contact tracing, which is something that we will also implement here (Kailangan natin sila sa lalong madaling panahon, subalit ayon sa karanasan ni Mayor Magalong ng Baguio, hindi na nagrecruit ng karagdagang personnel. Ginagamit niya ang PNP para sa contact tracing at ito ang ating gagawin dito),” ani Roque.
Dagdag pa nito, “They are in the process of training the police officers that will act as contact tracers. While local governments can hire and pay for additional contact tracers… the police, since they are already employed by the government, can be tapped to do the same chore without additional remuneration (Kasalukuyang sinasanay ang mga pulis na magsasagawa ng contact tracing. Habang nagbabayad ang mga pamahalaang lokal para sa karagdagang contact tracers… posible namang kunin ang mga pulis bilang karagdagang contact tracers nang walang karagdagang bayad).”
Naunang sinabi ng Department of Health (DOH) na mangangailangan ito ng 150,000 contact tracers para mas mapaigting ang ginagawang hakbang.
Ayon kay Roque, ang target ng mga awtoridad sa ngayon ay makapag-trace ng 30-37 contacts ng isang Covid-19 patient.
Sa Baguio City, na nakapagtala lamang ng 144 na mga kaso, nagkaroon ng clustering ang mga pulis para isagawa ang contact tracing.
Nakahain din ang planong pagsasagawa ng swab testing para sa lahat ng mga nakasalamuha ng Covid-19 patients para malaman kung nahawa rin ang mga ito. Sinabi naman ni contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na non-negotiable ito bukod sa mandatoryong pagsailalim sa self-quarantine.
“I think because we have now increased daily capacity for these tests, we can do it (Sa tingin ko magagawa natin ito dahil sa dagdag na kapasidad sa arawang testing),” giit naman ni Roque.