Mahigit P2.5M na halaga ng shabu, nasamsam sa Makati

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P2.5 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu bunsod ng isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, Makati City noong Agosto 5.

Ayon sa mga pulis, bumili mismo sa bahay ng suspek na si “John Edward”, 25, ang poseur buyer ng mga awtoridad matapos makakuha ng sapat na impormasyon na sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang suspek.

Timbog si John Edward, isang family driver at mekaniko, matapos magpalitan ng droga at pera.

Nakuha mula sa suspek ang pitong sachet ng kontrabando na 375.38 gramo ang timbang.

Ang dinakip na si John Edward ay kabilang sa drugs watchlist ng Makati City Police.

LATEST

LATEST

TRENDING