Foreign policy ni Duterte: ‘kaibigan ng lahat, hindi kaaway ninuman’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ang independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na “friend to all, enemy to none (kaibigan ng lahat, hindi kaaway ninuman)” ay mananatili, ayon sa Malacañang noong Agosto 4.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang pagtugon sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na lalahok ang Pilipinas sa joint maritime exercises sa South China Sea kasama ang ibang mga bansa.

“Well, dati na pong polisiya ng Presidente iyan. Sa kaniyang independienteng panlabas na relasyon, kaibigan natin ang lahat, wala tayong kaaway,” ani Roque. 

Ayon kay Roque, layon ng direktiba na ibsan ang tensyon sa mga pinag-aagawang karagatan.

Dagdag pa niya,  “Ang sabi lang ni Presidente, kung ang ilang mga gawain ng mga superpowers ngayon ay magreresulta sa mas matinding tension, iwas tayo sa mga ganiyang hakbang”. 

Noong Agosto 3, binigyang diin ni Lorenzana ang kahalagahan ng isang  “prudent” at “maingat” na estratehiya pata tugunan ang sigalot sa West Philippine Sea nang hindi naaalanganin ang pambansang interes.

President Duterte has a standing order to us, to me that we should not involve ourselves in naval exercises in the South China Sea except our national waters, the 12-mile distance from our shores. So really we cannot do that, we cannot exercise with them in the South China Sea (May kautusan si Pangulong Duterte sa amin na hindi kami lalahok sa mga aktibidad sa South China Sea kung hindi ito nasa ating teritoryo, o 12 milya mula sa ating dalampasigan. Kaya hindi natin ito magagawa sa South China Sea),” wika ni Lorenzana.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address noong Hulyo 27, idiniin ni Duterte na ang paggiit sa karapatan ng bansa laban sa China ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng digmaan na hindi kakayanin ng Pilipinas.

Tiniyak naman ng pangulo sa publiko na “nagtatrabaho nang walang kapalpakan” ang pamahalaan sa pagprotekta sa karapatan ng bansa sa pamamagitan ng diplomasya.

LATEST

LATEST