24 na mga bangko at e-payment firms, nag-waive ng PESONet at InstaPay fees

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Napagpasyahan ng 13 na mga financial institutions at digital payment firms na alisin ang kanilang PESONet at InstaPay transaction fees hanggang dulo ng Setyembre ngayong taon, habang 11 na mga bangko naman ang nagpasyang i-waive ito hanggang dulo ng taon.

Sa isang pahayag noong Agosto 4, inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang updated list ng mga bangkong nagpasyang alisin ang nasabing fees para sa electronic money (e-money) transactions alinsunod sa panawagan ng BSP na paigtingin ang paggamit ng digital payments para maiwasan ang physical payment transactions ngayong Covid-19 pandemic.

Kabilang sa mga bangkong nag-waive ng kanilang PESONet at InstaPay transaction fees hanggang dulo ng Setyembre ay ang BDO Unibank, Inc. Metropolitan Bank & Trust Company (Metrobank), Bank of the Philippine Island (BPI), Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), China Banking Corporation (Chinabank), Bank of Commerce, Robinsons Bank Corporation (Robinsons Bank), Philippine Savings Bank (PSBank), China Bank Savings, Inc. (China Bank Savings), Philippine Bank of Communications (PBCOM), at Equicom Savings Bank, Inc.

Nakasaad din sa pahayag na pinapalawig ng PayMaya Philippines Inc. (PayMaya Philippines) at G-Xchange, Inc. (GXI) ang kanilang fee waiver hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Samantala, kasama naman sa mga bangkong hindi mangongolekta ng PESONet at InstaPay transaction fees hanggang dulo ng taon ang Union Bank of the Philippines (Unionbank), Asia United Bank Corporation (AUB), Land Bank of the Philippines (Landbank), Development Bank of the Philippines (DBP), Security Bank Corporation (Security Bank), Sterling Bank of Asia, Inc. (Sterling Bank of Asia), Standard Chartered Bank (Standard Chartered), East West Banking Corporation (EastWest Bank), United Coconut Planters Bank (UCPB), Maybank Philippines, Inc. (Maybank), at Hong Kong and Shanghai Banking Corporation (HSBC), na nag-waive ng fees para sa retail customers at nagbawas ng fees mula P150 pababa nang P50 para sa corporate clients.

Sinabi naman ng BSP na hindi pa nag-aanunsyo hinggil sa fee waiver ang Philippine National Bank (PNB), MUFG Bank, Ltd., at Bank of China-Manila.

Lumaganap ang paggamit ng digital payments sa bansa matapos isailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso 17 hanggang Mayo 15, kung saan pinalawig pa ito hanggang dulo ng Mayo sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang pagpatok ng e-money transfers at e-money payment transactions simula Marso ay magandang senyales para sa mga awtoridad na maabot ang kanilang target na ipabilang sa formal financial system, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng basic deposit accounts, ang 70 percent ng adult na mga Pilipino sa taong 2023.

Naunang ibinalita naman ni Diokno na tinatayang 3.8 milyong deposit accounts ang binuksan noong kasagsagan ng ECQ dahil sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan. 4 milyong accounts naman ang binuksan digitally sa pagitan ng Marso 17 at dulo ng Abril.

LATEST

LATEST