Pamahalaan, handang pondohan ang pagpapanatili sa operasyon ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakahanda umano ang pamahalaan na pondohan ang Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) para sa pagpapanatili ng operasyon nito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto 4 matapos magbabala ang isang opisyal ng ahensya na posibleng bumagsak ang korporasyon sa 2022 kung walang karagdagang sabsidiya.

Iginiit ni Roque, na siyang awtor ng Universal Health Care Law, na hindi lamang nakabatay ang pananatili ng PhilHealth sa mga koleksyon nito.

Aniya, “As author of the Universal Health Care [law], we never, even for one minute, considered that the survival of PhilHealth will solely be by reason of premiums (Bilang awtor ng Universal Health Care law, hindi namin kinonsidera na sa premiums lamang ibabatay ang pagpapanatili ng PhilHealth)”.

Dagdag pa niya, “Alam po namin na hindi makakamit ang libreng gamot at libreng pagamot kung premiums lang ang panggagalingan ng gagastusin ng PhilHealth”.

Ayon kay PhilHealth data protection officer Nerissa Santiago, posibleng bumagsak ang korporasyon sa 2022 dahil sa “dobleng epekto” ng pagbaba sa koleksyon at pagtaas ng payouts para sa pagpapagamot ng Covid-19 patients.

We can only survive with additional contributions coming from the government (Mapapanatili lamang ang aming operasyon kung may karagdagang kontribusyon mula sa pamahalaan),” ani Santiago sa isang pagdinig sa Senado hinggil sa mga alegasyon ng iregularidad laban sa korporasyon.

Iginiit ni Roque na batid naman ng gobyerno ang responsibilidad nito na magbigay ng suportang pinansyal sa PhilHealth para sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

“Talagang kung maubos po ang pera ng PhilHealth, gobyerno po ang magbibigay ng pondo kaya nga po ang tawag diyan ay Universal Health Care, hindi medical insurance,” paliwanag ni Roque.

Umani ng kaliwa’t-kanang pambabatikos ang PhilHealth matapos masangkot ang ilang opisyal nito sa katiwalian at iregularidad.

LATEST

LATEST

TRENDING