Grupo ng commuter, ipinahihinto ang operasyon ng POGO at sabungan sa QC habang nasa MECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: The Philippine STAR

Nais ng isang grupo ng mga commuters na ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) at mga sabungan sa Quezon City.

Patuloy pa rin umano ang operasyon ng pasugalan bagama’t nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lungsod, ayon sa pangulo ng grupong Lawyers for Commutets Safety and Protection (LCSP) na si Atty. Ariel Inton.

Dagdag pa ni Inton, may mga manggagawa ng POGO aniya ang nagkakasakit na subalit dinadala lamang ang mga ito sa hotel para doon i-isolate at agad namang babalik sa trabaho kapag gumaling na.

Ipinagtataka ng grupo kung bakit patuloy pa rin ang operasyon ng mga pasugalan kahit na marami nang negosyo ang isinara nang ibalik ang MECQ sa Mega Manila.

Ayon kay Inton, posibleng may mga lihim na backer ang mga POGO at sabungan sa lungsod dahil sa patuloy nitong operasyon sa gitna ng mahigpit na lockdown.

Kaya naman, dumulog ang LCSP sa lokal na pamahalaan ng Quezon City at sa police department ng lungsod para agarang matugunan ang mga iligal na operasyong nabanggit.

LATEST

LATEST

TRENDING