DFA: 2 Pinoy, patay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon; 6 na iba pa, sugatan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Popular Mechanics

Dalawang Pilipino ang nasawi at anim pang iba ang nasugatan sa naganap na malaking pagsabog sa lungsod ng Beirut, ang kabisera ng bansang Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong Agosto 5.

Ayon sa ahensya, ang mga Pilipinong binawian ng buhay ay nasa loob ng tahanan ng kanilang employer nang mangyari ang pagsabog.

Patuloy naman aniya ang pag-monitor ng Philippine Embassy sa Beirut tungkol sa sitwasyon at iginiit na handa itong magpaabot ng tulong sa mga Pilipinong naapektuhan sa nasabing trahedya.

Tinatayang may 33,000 na mga Pilipino sa Lebanon, kung saan 75 porsyento rito ang nasa Greater Beirut area.

Ang pagsabog sa Port of Beirut ay nagdulot ng malaking shockwave, na nagresulta sa pagtaob ng mga sasakyan at pagkasira ng malalayong gusali. Naitala rin ito bilang 3.3 magnitude na lindol sa capital.

Ang nangyaring trahedya ay ikinasawi ng 738 katao habang ikinasugat naman ng 4,000, ayon kay Health Minister Hamad Hassan.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang imbestigasyon para mapag-alaman ang dahilan ng pagsabog.

LATEST

LATEST

TRENDING