Duterte, umapela sa health workers na habaan ang pasensya sa gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga health care workers matapos umapela sa pamahalaan ang ilang medical groups at personnel na bigyan sila ng dalawang linggong “time out” sa pamamagitan ng pagpapatupad ng lockdown sa Mega Manila.

Ayon sa pangulo, nauunawaan niya ang nararanasang pagod ng mga health workers bunsod ng pag-akyat sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Gayunpaman, dapat ding manatiling pasensyoso ang mga ito dahil ginagawa umano ng pamahalaan ang lahat para malutas ang problema.

Aniya, “I fully understand why our health workers would like to ask such a timeout period. They have been in the frontline for months and are exhausted (Nauunawaan ko kung bakit nais ng timeout ng mga health workers. Nasa frontline sila nang ilang buwan at pagod na)”.

Subalit, iginiit ng pangulo na wala nang matatakbuhan ang pamahalaan at kinakailangan nito ang tulong ng medical community sa laban kontra Covid-19.

“Habaan na lang ninyo ‘yung pasensiya ninyo and your fervor na ikaw ay isang medical na tao, at tiwala kami sa inyong kakayahan. We are aware that you are tired, that you have worked even beyond 24 hours a day (Alam naming pagod kayo at nagtrabaho kayo kahit na lagpas 24 oras sa isang araw),” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Pero ito kasi ‘yung…wala kaming matakbuhan. Kayo ‘yung nag-aral, kayo ‘yung may alam”.

Binigyang diin din ng pangulo na hindi na kailangang isapubliko pa ng mga ito ang kanilang hinanaing.

“Ngayon, kung sabihin ninyo kung anong mabuti and you raise the spectacle of ‘yung agony ninyo, and you treat it as if you’re ready to stop to work. ‘Wag naman ganoon kasi kawawa naman ‘yung mga kababayan natin. Sino na lang aasahan namin?” pahayag ni Duterte sabay sabing puwede namang humingi na lang ng audience sa kanya sa halip na isapubliko pa ang kanilang hinanaing.

“‘Yung mga health workers na hindi connected sa gobyerno, we will try to help. But there is no need for you and for the guys (Hindi niyo kailangan), 1,000 of you, telling us what to do publicly (na sabihin sa publiko ang dapat naming gawin). You could have just wrote us a letter (Nagsulat na lang sana kayo ng liham). Lahat naman ng sinasabi ninyo, sinusunod namin… Next time, you can ask for an audience. Pero ‘wag ho kayong magsigaw sigaw, rebolusyon, rebolusyon,” diin ng pangulo.

Sinabi rin ng pangulo na dapat mag-“soul-searching” ang mga ito at mag-isip ng solusyon dahil sila ay mga eksperto aniya.

We are not competent here because we are not doctors (Wala kaming kakayanan kasi hindi kami doktor). Kayo ang dapat ang mag-ano. You should do the soul-searching, not us. Kayong makatulong sana at wala kayong ginagawa kung magreklamo, what can I do (Ano ang magagawa ko)?

So do not try to demean government. You are criticizing, you demean the government, your own government (Huwag ninyong mamasamain ang gobyerno. Tinutuligsa ninyo. Minamasama ninyo ang inyong gobyerno),” dagdag pa ni Duterte.

Sa parehong briefing, inanunsyo ng pangulo na isinasailalim niya ang Metro Manila Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 4 hanggang 18.

Nilinaw naman ng medical community na hindi sila nananawagan ng rebolusyon.

LATEST

LATEST

TRENDING