NCR at ilang karatig-lalawigan, isinailalim muli sa modified ECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejay Villafranca (Bloomberg)

Muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan matapos ang mga naitalang pag-akyat sa bilang ng Covid-19 cases.

Iiral ang MECQ simula Agosto 4 hanggang 18.

Tinugunan ng pangulo ang panawagan ng medical community na muling ipatupad ang lockdown sa Mega Manila para mabigyan ng oras ang mga medical frontliners na makapagpahinga, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Pumalo na noong Agosto 2 sa mahigit 100,000 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, kabilang ang 5,032 na mga panibagong kaso.

Ayon naman sa isang eksperto mula University of the Philippines, aabot sa 150,000 ang bilang ng mga kaso sa pagtatapos ng buwan kung magpapatuloy ang kasalukuyang bilis sa pag-akyat ng mga ito.

Isasara naman ng Korte Supreme ang lahat ng korte sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at MECQ sa loob ng dalawang linggo dahil sa pag-akyat ng Covid-19 cases.

Posible ring magpatupad ng lockdown ang liderato ng Senado bilang “pagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa frontliners”.

LATEST

LATEST