DOH, sinusuprotahan ang ‘tamang implementasyon ng community quarantines’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Secretary Francisco Duque III

Matapos manawagan ang 80 na medical societies noong Agosto 1 para sa pagpapatupad ng dalawang linggong “timeout” sa pamamagitan ng pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Mega Manila, naglabas ng pahayag ang Department of Health (DOH) at sinabing sumasang-ayon ito sa interes ng mga health workers bagama’t hindi nilinaw kung sang-ayon din ito sa pagbabalik ng lockdown.

Ibinaling din ng ahensya ang atensyon sa mga ordinaryong mamamayan patungkol sa usapin ng overloaded healthcare capacity sa bansa.

We support the call of our frontliners to ensure appropriate implementation of community quarantines to ensure the protection of our health workers, but while the government is taking the necessary actions to address the situation, we emphasize that it is also the duty of every citizen to ensure that our health system is not overwhelmed (Sinusuportahan namin ang panawagan ng frontliners upang maipatupad nang tama ang community quarantines para matiyak ang proteksyon ng health workers, bagama’t ginagawa ng pamahalaan ang pagtugon sa sitwasyon, bibigyang diin namin na tungkulin ng bawat mamamayan na tiyaking hindi overwhelmed ang ating sistemang pangkalusugan),” pahayag ng ahensya.

Ang inirerekomendang ECQ ng mga medical frontliners ay layong tugunan ang mga isyu hinggil sa pagiging episyente ng hospital workforce, kapalpakan sa case finding at isolation, kapalpakan sa contact tracing at quarantine, transportation safety, workplace safety, pagsunod ng publiko sa self-protection, at social amelioration.

Iginiit ng DOH na kinikilala nito ang oportunidad na makatrabaho ang mga medical societies at frontline healthcare workers sa Covid-19 response, bagama’t hindi nilinaw kung sinusuportahan nito ang panawagan para sa ECQ.

LATEST

LATEST

TRENDING