PRRD sa IATF: Tugunan ang panawagan ng medical community

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

“Narinig” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apela ng medical community na ibalik ang striktong lockdown sa Mega Manila dahil sa umano’y posibilidad ng pagbagsak sa sistemang pangkalusugan sa bansa bunsod ng patuloy na pag-akyat ng Covid-19 cases.

Sa isang pahayag noong Agosto 1, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinag-utos ng pangulo sa Inter-Agency Task Force on Covid-19 (IATF) na aksyunan ang hinanaing ng medical groups.

Aniya, “President Rodrigo Roa Duterte has heard the concerns of the medical community and the Chief Executive has directed the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to act on these concerns immediately (Narinig ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hinanaing ng medical community at inatasan na niya ang IATF para agarang tugunan ito)”.

Malaki aniya ang pagpapahalaga ng Malacañang sa serbisyong ibinibigay ng mga health workers kontra Covid-19.

We are grateful for their immense contributions to heal our people and our nation during these difficult times (Nagpapasalamat kami sa napakalaki nilang kontribusyon sa pagbibigay ng lunas sa mga tao at sa bansa ngayong panahon ng taghirap),” giit ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Your voices have been heard. We cannot afford to let down our modern heroes. This is our commitment (Pinakinggan ang inyong tinig. Hindi namin tatanggihan ang aming mga modernong bayani. Ito ang aming pangako)”.

Tatalakayin umano ng IATF ang apela ng mga frontliners.

Ipinanawagan ng mga medical frontliners sa mga opisyal ng pamahalaan na ibalik ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Mega Manila, na kinabibilangan ng National Capital Region, Region III (Central Luzon) at Region IV-A (Calabarzon), para masuri at mapagbuti ang mga kasalakuyang estratehiya sa pagtugon sa banta ng Covid-19.

Sa ginanap na press conference ng Philippine College of Physicians noong Agosto 1, ipinahayag ng 40 medical societies kay Duterte, Covid-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque sa pamamagitan ng liham na nasa maximum capacity na ang healthcare system ng bansa at kinakailangan na ang mga paghihigpit sa quarantine protocols.

The medical community appeals for a return to enhanced community quarantine in Mega Manila from August 1 to 15 to recalibrate strategies against COVID-19. Dear President Duterte, healthcare workers are united in sounding off a distress signal to the nation that our healthcare system has been overwhelmed (Umaapela ang medical community na ibalik ang ECQ sa Mega Manila mula Agosto 1-15 para ma-recalibrate ang mga estratehiya laban sa Covid-19. Mahal na Pangulong Duterte, nagkakaisa ang healthcare workers sa pagsabing nasa sukdulan na ang ating healthcare system),” giit ng isinumiteng liham.

Dagdag pa, “We propose the ECQ be used as a timeout to refine our pandemic control strategies addressing the following urgent conditions or problems (Ang ECQ ay magsisilbing timeout para mapagbuti ang ating mga estratehiya para tugunan ang mga problemang ito): hospital workforce efficiency, failure of case finding and isolation, failure of contact tracing and quarantine, transportation safety, workplace safety, public compliance with self-protection, [and] social amelioration.”

Batay sa datos ngayong linggo, mahigit 4,500 doctos, nurses, at iba pang health care workers na ang tinamaan ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING