Habang ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga illegal drug-related heinous crimes, itinutulak din ng isang ahensya ang parehong kaparushan para sa mga tiwaling opisyal.
“Corruption should be categorized as a heinous crime and should be penalized by death (Ang kurapsyon ay dapat ituring an heinous crime na may karampatang parusang kamatay),” giit ni Presidential Anti-Corruption Commission chief Greco Belgica noong Agosto 1.
Dagdag pa niya, “Ang [proposal nga namin] noon, by hanging pero okay naman din ang lethal injection”.
Ayon kay Belgica, ang kurapsyon ay “kasing sama ng murder at droga” dahil inilalagay nito ang milyun-milyong Pilipino sa kahirapan.
Samantala, umani ng kaliwa’t-kanang kritisismo ang pangulo sa pagtutulak na ibalik ang parusang kamatayan noong ipinahayag niya ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Ipinagbawal ng 1987 Constitution ang capital punishment subalit pinapahintulutan nito ang Kongreso ng magpasa ng death penalty law para sa heinous crimes.
Ito ay ibinalik sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos, subalit ibanasurang muli sa ilalim naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nagpahayag naman ang ilang miyembro ng Kamara na tatalakaying maigi ang mga panukala tungkol sa death penalty, at sisikaping magpasa ng batas habang nasa puwesto pa si Duterte.
Para naman kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, mas malaki umano ang tsansang maipapasa ang kontroberysal na panukala kung lilimitahan ito para sa mga high-level drug traffickers.