Metro Manila LGUs: Magsuot ng face mask o magbayad ng multa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Sa patuloy na pagpapasailalim ng Kalakhang Maynila sa general community quarantine (GCQ), muling ipinaalala ng mga local government units (LGUs) sa rehiyon ang kahalagahan ng pagsuot ng face mask kapag lalabas sa publiko.

Ang mga lalabag sa panuntunang ito ay pagmumultahin.

Sa Lungsod ng Muntinlupa, nagpasa ang pamahalaang lokal ng ordinansang naghihikayat sa lahat na ugaliing magsuot ng face mask sa pampublikong lugar. Ang lalabag ay pagmumultahin ng P300 sa first offense, P500 sa second offense, at P1,000 sa third offense. Kapag menor de edad naman ang violator, posibleng tanggalin ang scholarship grant ng LGU kung iskolar ito.

Sa Lungsod ng Parañaque, P1,000 o 6 na oras na detention ang penalty sa first offense, at P2,000 naman sa second offense o 9 na oras na detention. P3,000 o kalahating araw na detention naman ang parusa sa third offense.

Pagdating naman sa Lungsod ng Makati, mas mataas ang multa. P1,000 ang babayaran sa first offense, at P3,000 naman para sa second offense. Sa third offense, aabot na sa P5,000 ang multa o pagkakulong ng 6 na buwan.

Sa Lungsod ng Pasay, P1,000 hanggang P5,000 ang multa sa mga lababag sa alituntunin. Sa ikatlong offense, posible pang makulong ng isang buwan. Magulang o guardian naman ang papanagutin kung lalabag ang isang menor de edad.

Pareho rin ang palisiya sa Lungsod ng Maynila kung saan P1,000 hanggang P5,000 din ang multa o pagkakakulong na hindi aabot sa isang buwan.

Binigyang diin ng mga LGU na kailangang higpitan ang pag-iimplementa ng mga ordinansa lalo na’t umaakyat ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING