Medical frontliners, umapelang ibalik ang ECQ sa Mega Manila hanggang Agosto 15

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Department of Health

Nanawagan ang mga medical frontliners noong Agosto 1 sa mga opisyal ng pamahalaan na ibalik ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Mega Manila, na kinabibilangan ng National Capital Region, Region III (Central Luzon) at Region IV-A (Calabarzon), para masuri at mapagbuti ang mga kasalakuyang estratehiya sa pagtugon sa banta ng Covid-19.

Naunang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang delayed broadcast na inere noong Hulyo 31 na mananatili sa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Sa ginanap na press conference ng Philippine College of Physicians noong Agosto 1, ipinahayag ng 40 medical societies kay Duterte, Covid-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque sa pamamagitan ng liham na nasa maximum capacity na ang healthcare system ng bansa at kinakailangan na ang mga paghihigpit sa quarantine protocols.

The medical community appeals for a return to enhanced community quarantine in Mega Manila from August 1 to 15 to recalibrate strategies against COVID-19. Dear President Duterte, healthcare workers are united in sounding off a distress signal to the nation that our healthcare system has been overwhelmed (Umaapela ang medical community na ibalik ang ECQ sa Mega Manila mula Agosto 1-15 para ma-recalibrate ang mga estratehiya laban sa Covid-19. Mahal na Pangulong Duterte, nagkakaisa ang healthcare workers sa pagsabing nasa sukdulan na ang ating healthcare system),” giit ng isinumiteng liham.

Dagdag pa, “We propose the ECQ be used as a timeout to refine our pandemic control strategies addressing the following urgent conditions or problems (Ang ECQ ay magsisilbing timeout para mapagbuti ang ating mga estratehiya para tugunan ang mga problemang ito): hospital workforce efficiency, failure of case finding and isolation, failure of contact tracing and quarantine, transportation safety, workplace safety, public compliance with self-protection, [and] social amelioration.”

Umapela rin ang grupo na ihinto muna ang pagpapahintulot sa pagbubukas ng mga negosyo katulad ng gyms, internet cafes, testing at tutorial centers, at drive-in cinemas na unang inanunsyo ni Trade Secretary Ramon Lopez.

The health sector cannot hold the line for much longer. Our healthcare workers should not bear the burden of deciding who lives and who dies. If the health system collapses, it is ultimately our poor who are the most compromised. In the end, winning the war against COVID 19 relies heavily on being able to keep our health system capacitated to address the needs of all Filipinos. We hope that our government heeds this plea (Hindi na kaya pa ng health sector. Hindi dapat maging pasanin ng healthcare workers ang pagpapasya kung sino ang mabubuhay o mamamatay. Kung babagsak ang sistemang pangkalusugan, mga mahihirap ang pinakaapektado. Sa huli, ang pagtatagumpay sa laban kontra Covid-19 ay nakasalalay sa kapasidad ng sistemang pangkalusugan na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Umaasa kaming papakinggan ng pamahalaan ang aming apela).”

LATEST

LATEST

TRENDING