Duterte, makikipagpulong sa IATF tungkol sa hinanaing ng mga health workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang opisyal ng Gabinete sa Agosto 2 para talakayin ang iba’t-ibang hinanaing ng medical community habang patuloy ang pakikipaglaban ng bansa sa Covid-19 krisis.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing mag-aaununsyo siya tungkol rito sa naaayong panahon.

Noong Agosto 1, ilang health workers at frontliners mula sa iba’t-ibang medical societies ang umapela kay Duterte na isailalim ang Mega Manila sa mas striktong enhanced community quarantine (ECQ) hanggang Agosto 15, dahil sa nalalapit na pagbagsak ng sistemang pangkalusugan ng bansa at sa dumaraming frontliners na nakararanas ng burnout.

Kabilang sa Mega Manila ang Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, at Mimaropa.

Ang nasabing hakbang ay isa rin umanong paraan para muling masuri at mapagbuti ang iba’t-ibang hakbang at estratehiyang ginagawa sa pagtugon sa Covid-19 pandemic.

Kasalukuyang nasa mas magaang general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, kung saan inabisuhan din ang mga local government units (LGUs) na magpatupad ng localized lockdowns sa mga lugar na may matataas na bilang ng Covid-19 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING