2021 national budget, planong taasan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Posibleng taasan ng Kamara ang panukalang badyet para sa 2021 upang matiyak ang implementasyon ng mga kinakailangang hakbang para tugunan ang Covid-19 pandemic.

Ayon kay appropriations committee chairman Rep. Eric Go Yap, nagtakda ang Kamara ng initial target na P4.6 trilyon para sa 2021 national budget, mas mataas kumpara sa naunang P4.3 trilyon na itinakda ng executive branch.

We’re looking into P4.6 trillion, but that’s still up for discussions (Tinitignan namin ang P4.6 trilyon, pero tatalakayin pa ito),” ani Yap.

Dagdag pa niya, “What we can ascertain at this point is that we will pass the budget in time so the needed measures can be implemented right away early next year. We’re racing against time here and we need the health and economic programs for our recovery (Ang matitiyak namin ay ang pagpasa ng badyet sa oras para maimplemeta ang mga hakbang nang maaga. Kinakailangan natin ang agarang mga programang pangkalusugan at pang-ekonomiya para sa ating pagbangon)”.

Nagpasa ang Kongreso ng P4.1-trilyong national budget para ngayong taon sa loob lamang ng isang buwan noong 2019.

Ipinahayag din ng ACT-CIS party-list representative na hihintayin nila ang isusumiteng National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM) sa dulong bahagi ng buwan para agad na masimulan ang budget deliberations.

Naunang umapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa executive branch para sa mas mataas na 2021 badyet upang matugunan ang Covid-19 pandemic.

Sinabi rin ni Cayetano na bibigyan din ng prayoridad ang iba pang mga estratehiya para tugunan ang pandemiya. Ang mga ito ay ang Bayanihan to Recover as One Act or the Bayanihan 2 Law at iba pang economic stimulus measures, partikular ang Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy Act (ARISE) at Covid-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus Act (CURES).

Ibinunyag ni Cayetano na nagtakada ang mga economic managers ng P140 bilyong pondo para sa Bayanihan 2, subalit nais pa rin itong taasan ng Kongreso nang hindi bababa sa P200 bilyon para mas maayos na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong sektor.

Ayon kay Cayetano, ang ARISE at CURES – na parehong naipasa ng Kamara bago mag-adjourn sine die noong Hulyo – ang kukumpleto sa economic recovery plan.

Kabilang sa ARISE, na pinangunahan ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda, Rep. Stella Quimbo at House committee on economic affairs chairman Sharon Garin, ang panukalang P1.3 trilyong badyet para pondohan ang iba’t-ibang programa na tutulong sa mga micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs), tourism at transport sectors.

Sa CURES bill naman, P1.5 trilyon ang ilalaan para sa infrastructure development programs na makapagbibigay ng mas maraming trabaho sa pook rural na naapektuhan ng pandemiya. Ang programa ay ipatutupad sa loob ng tatlong taon na may P500 bilyong badyet bawat taon.

Layon din ng panukala na pondohan ang mga proyekto sa ilalim ng HEAL-IT sector na kinabibilangan ng health, education, agriculture, local roads, infrastructure, livelihood, information and communication technology, at tourism.

Nauna namang inanunsyo ni DBM Secretary Wendel Avisado na pagtutuunan ng 2021 badyet ang mga labor-intensive projects at aktibidad para mabigyan ng mga oportunidad ang mga pinakaapektadong manggagawa sa parehong pampubliko at pampribadong sektor.

LATEST

LATEST

TRENDING