PH, sapat ang pondo para mamahagi ng libreng Covid-19 vaccine sa 20M katao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinahayag ng administrastyong Duterte na may sapat itong pondo para bumili at mamahagi ng 20 milyong Covid-19 vaccines nang libre para sa mga Pilipino sakaling darating na ito.

Positibo ang pananaw ng pangulo na darating na ang bakuna sa Disyembre. Sinabi rin niyang isa ang China sa mga bansang sinisikap na magtuklas ng bakuna at bibigyan aniya ang Pilipinas ng prayoridad kung sakaling makumpleto na ito.

I promise you by the grace of God, I hope by December we will be back to normal (Nangangako ako, sa awa ng Diyos, sana sa Disyembre ay bumalik na tayo sa normal),” giit ni Duterte.

Samantala, binanggit naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, na inatasan ng pangulo na kumalap ng pondo para sa bakuna, na nagpaplano ang bansang bumili ng 40 milyon vaccine doses na nagkakahalaga ng P20 bilyon.

We can execute it as soon as the Department of Health (DOH) chooses which vaccine or vaccines they want. Certainly, by late this year, if it’s available, we can already buy it (Isasakatuparan natin ito kung pumili na ang DOH ng bakunang gusto nila. Tiyak na mabibili natin ito sa dulo ng taon kung magkakaroon na),” pahayag ni Dominguez.

Ayon sa kalihim, ang bakunang mapipili ng DOH ay bibilhin ng Philippine International Trading Corporation (PITC), na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI). Ito ay unang popondohan ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, bago bayaran ng DOH kinalaunan.

The Department of Health will put in their budget to pay this $400 million or roughly P20 billion. We can pay that over maybe two or three years (Babayaran ito ng DOH sa halagang P20 bilyon. Babayaran natin ito siguro sa dalawa o tatlong taon). Babayaran nila through the financing company, which is Landbank and DBP,” paliwanag ni Dominguez.

Samantala, tiniyak naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na hindi kailangang magbenta ng pamahalaan ng mga ari-arian para magkaroon ng pambili sa bakuna.

Binigyang diin naman ni Duterte na uunahin niya ang mga mahihirap na pamilya sa distribusyon ng bakuna, na pangungunahan ng militar.

LATEST

LATEST

TRENDING