Negatibong swab test, hindi na kailangan para ideklarang “recovered” – Testing czar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Testing czar Vince Dizon

Hindi na kailangang magkaroon ng negatibong swab test ang mga pasyente ng Covid-19 para maideklarang virus-free matapos mahawa sa nakamamatay na sakit, giit ng itinalagang testing czar noong Hulyo 31.

Ayon kay National Covid-19 task force deputy implementer Vince Dizon, ang 38,075 recoveries na iniulat ng Department of Health (DOH) noong Hulyo 30 ay magtatakda ng mga panibagong panuntunan na alinsunod sa updated global practices.

“Hindi na kailangan ng (negative) PCR test bago ma-tag na recovered ang isang pasyente. Ang advice ng WHO (World Health Organization) at ng ibang mga experts at sa pagsunod ng standards ng ibang bansa, kung ang isang tao na may COVID-19 after ng incubation period na 14 days ay wala nang sintomas –– wala nang lagnat, ubo, sipon, hindi na hihirapang huminga –– sila po ay considered recovered na, paliwanag ni Dizon.

Binanggit din ni Dizon na may mas maikling period ang Singapore na nasa 10 hanggang 12 na araw lamang.

Hindi naman kabilang dito ang mga pasyenteng nananatili sa ospital para sa gamutan at ang mga nasawi.

Naunang sinabi ng DOH na ang spike sa bilang ng mga recoveries ay dahil sa enhanced data reconciliation efforts ng ahensya sa ilalim ng inisyatibong “Oplan Recovery”, na layong aktibong i-track ang kondisyon ng mga pasyente. Isasagawa ito sa bawat 15 na araw.

Noong naitala ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 sa bansa noong Enero, ginawang mandatoryo ng DOH ang pagkakaroon ng dalawang negatibong reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests para maideklarang fully recovered na ang pasyente mula sa Covid-19.

Ayon kay Dizon, ginawa na lamang itong isang test kinalaunan matapos sumangguni sa mga eksperto, kabilang na ang World Health Organization, bago ang pagbabago sa protocol.

Ang PCR test ang itinututing na “gold standard” para kumpirmahin ang presensya ng coronavirus sa katawan, taliwas sa rapid test kits na nakakapag-detect lamang ng antibodies para sa impeksyon.

LATEST

LATEST