Pinakamalaking testing lab, libreng WiFi, at vaccine ID system, ilulunsad sa Cavite

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Cavite Governor Jonvic Remulla Facebook page

Planong magpatupad ng lalawigan ng Cavite ang ng 10,000 Covid-19 tests bawat araw, magbigay ng libreng internet access sa mga mag-aaral, at lumikha ng ID system para sa distribusyon ng bakuna kontra Covid-19, ayon sa gobernador ng lalawigan noong Hulyo 30.

Isang laboratory na makapagsasagawa ng 3,000 kada araw ang bubuksan sa De La Salle University – Dasmariñas, ayon sa Facebook post ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

Kasalukuyan namang nagtatayo ng dalawa pang laboratoryo para sa Cavite, ang pinakamataong lalawigan sa Calabarzon.

Our combined capacity will reach 10k/day (Ang pinagsamang kapasidad ay aabot sa 10,000 kada araw),” ani Remulla.

Bibigyang prayoridad naman ang mga Caviteños, wika ni Remulla. 

Dagadg pa niya, “Targeted testing for qualified participants will always be free and prioritized (Libre ay may prayoridad ang targeted testing para sa kwalipikadong mga lalahok),” 

Posible ring maglungsad ang lokal na pamahalaan ng libreng WiFi para sa mga estudyante habang suspendido pa rin ang face-to-face classes.

Aniya,  “We are launching an (Maglulunsad kami ng) EDUCATIONAL plan in 10 days. Clue: #FreeWiFiForCavite”.

Para naman sa paghahanda sa pagdating ng bakuna kontra Covid-19, magpapatupad ang lalawigan ng isang provincial ID system para sa epektibong pagproseso ng distribusyon.

Pumalo na sa mahigit 85,000 ang Covid-19 cases sa bansa noong Hulyo 29, bagay na naging prediksyon ng mga mananaliksik mula University of the Philippines.

 “Maraming magulo at walang kabuluhan na patakaran (backride parachute ). Parami ng parami ang napipikon habang ang iba naman ay patuloy na umaasa at naghihintay sa susunod na ayuda,” giit ng gobernador.

In Cavite, we are doing our best (Sa Cavite, ginagawa namin ang lahat ng makakaya),” pagbibigay diin nito. 

Ang lalawigan ng Cavite ay tahanan sa tinatayang 3.7 milyong residente, batay sa 2015 data ng Philippine Statistics Authority (PSA). 

LATEST

LATEST