COVID task force, bibili ng 60M doses ng bakuna kontra COVID

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Bibili ang Pilipinas ng hindi bababa sa 60 milyong doses ng Covid-19 vaccine kung magkakaroon na nito, ayon kay National Task Force for COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez noong Hulyo 30.

Sinabi rin niyang nakikipag-ugnayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t-ibang lider at embahada para mapabilang ang Pilipinas sa mga unang bansang mabibigyan ng bakuna kontra Covid-19 kung matutuklasan na ito.

“(Ang instruction) ito ay maging available at least sa 60 million people sa ating bansa. We are ready to get it because of the President’s diplomatic efforts (Handa na tayong makuha ito dahil sa mga diplomatikong hakbang ng pangulo),” ani Galvez.

Personal na umapela si Duterte sa pamahalaan ng China na bigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makadiskubre na sila ng bakuna, bagay na kinilala rin ng Chinese government.

Habang naghihintay ang mundo para sa bakuna, binanggit naman ni Galvez na nakikipag-ugnayan si Health Secretary Francisco Duque III sa iba’t-ibang pharmacies para mabigyan ang bansa ng discount sa antiviral drug na Avigan, gamot na ginagamit sa Japan laban sa Covid-19.

Inaayos din umano ng Department of Health ang medical supply chain upang mapahintulutan ang gobyerno na direktang makabili ng gamot mula sa suppliers.

LATEST

LATEST