Robredo, idenetalye ang mga mungkahi para paigtingin ang laban kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Ilang araw matapos ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), nagtalumpati rin sa publiko si Pangalawang Pangulo Leni Robredo tungkol sa iba’t-ibang hakbang sa pagpapaigting ng Covid-19 response ng bansa.

Mapapanood ang buong talumpati sa kanyang Facebook page.

“Pangunahin sa ating matibay na healthcare system ang pagpapalakas sa mga ospital. Siguraduhin na equitable at sistematiko ang pagbubuhos ng resources sa mga ospital para makasabay sila sa demands ng pandemiya,” paliwanag ni Robredo.

Iminungkahi rin ng pangalawang pangulo ang counseling para sa mga health workers, pagpapabilis sa paglabas ng Covid-19 test results, at pagkalap ng mga eksperto na makatutulong sa pag-analisa ng Covid-19 data.

“Alamin kung bakit nagkaka-backlog, kung saang laboratoryo ito nagaganap at tulungan silang makahabol. Sa ganitong paraan, on-time ding malalaman ng mga contact tracers ang mga dapat pang-itest,” ani Robredo.

Iginiit din ng pangalawang pangulo na hindi kailangan ng bansa na umasa na lamang sa China para sa bakuna kontra Covid-19.

Aniya, “Hindi mapipigil ang pandemiya kung basta na lang mag-aabang na lag tayo sa bakuna”.

Sa SONA ni Duterte, binigyang diin ng pangulo ang kanyang panawagan sa China na bigyang prayoridad ang bansa kung sakaling makatuklas na ng bakuna kontra Covid-19 ang mga Chinese.

Noong Hunyo 12, ang ika-122 na anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas,  sinabi ng Malacañang na tiniyak ni Chinese President Xi Jinping kay Duterte na bibigyang prayoridad ang Pilipinas kung sakaling magkakaroon na ng bakuna.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong Hulyo 29, umabot na sa 85,486 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING