DOH: Paglamang ng PH sa China sa Covid-19 cases, hindi malaking isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Miguel de Guzman (The Philippine STAR)

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi malaking isyu ang paglamang ng Pilipinas sa China sa bilang ng mga Covid-19 cases.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahirap paghambingin ang dalawang bansa dahil sa iba’t-ibang mga rason.

Aniya, “Hindi naman. Ang sa China naman ay iba yung sa kanilang datos. Iba ‘yung settings nila. ‘Yung sa atin, nakakakita tayo ngayon ng pagtaas in specific areas of the country katulad ng National Capital Region”.

They have different numbers. They have a different setting. (Iba ang kanilang numero. Iba ang kanilang setting.) Okay lang naman magkumpara because we are benchmarking pero dapat maintindihan din natin na magkakaiba po tayo ng sistema sa bawat bansa. Iba ang health system ng China. Iba ang health system ng Pilipinas,” dagdag ni Vergeire.

Sa ngayon, nasa 85,486 na ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa. Samantala, nasa 84,060, naman ang bilang ng mga kaso sa China batay sa datos ng World Health Organization – Western Pacific Region office. 

Hiwalay naman ang pagtatala sa Covid-19 cases ng mga special administrative regions ng China na Hong Kong at Macau.

Iniugnay ni Vergeire ang pagsipa sa bilang ng mga Covid-19 cases sa pagpapagaan ng quarantine protocols, hindi pagsunod sa minimum health standards, at pag-uwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa kani-kanilang mga lalawigan.

Gayunpaman, sinabi niyang bumababa ang Covid-19 death rate ng bansa nang mas mababa pa sa 3 percent.

Mas marami naman ang mga gumaling kaysa mga nasawi simula noong maitala ang kauna-unahang kaso sa bansa noong Enero 30. Batay sa datos noong Hulyo 29, nasa 1,962 ang mga namatay habang 26,996 naman ang mga gumaling.

“Hindi tayo kailangan magpa-panic kapag nakakarinig tayo ng malaking numero,” ani Vergeire.

Iminungkahi rin Vergeire ang pagpapatupad ng mas maraming localized lockdowns para mapigilan ang lalo pang paglaganap ng coronavirus sa mga komunidad.

“Hindi natin kailangang isara ang buong city para sa isang kalye na merong mga kaso para hindi ma-paralyze ang ating hanapbuhay at nakapag-move around ang tao. In other countries, nag-work po ito,” paliwanag ng opisyal.

LATEST

LATEST