SONA 2020: Parusang kamatayan, muling ipinanawagan ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling itinulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang pagbabalik ng parusang kamatayan, sa pamamagitan ng lethal injection, para sa mga heinous crimes na may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon sa pangulo na naglunsad ng marahas na kampanya kontra drogra simula noong 2016, makatutulong ang death penalty sa pagpapababa sa lebel ng krimen sa bansa.

Aniya,  “I reiterate the swift passage of a law reviving the (Inuulit ko ang agarang pagsasabatas ng) death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Dagdag pa ni Duterte, “This law will not only help us deter criminality, but also save our children from the dangers posed by the illegal and dangerous drugs (Hindi lamang masusugpo ng batas na ito ang kriminlalidad, bagkus mapoprotektahan din ang kabataan mula sa iligal na droga)”.

Nagbabala naman ang pangulo sa mga durugista at iba pang kriminal na hindi ito mag-aatubiling patayin sila.

Aniya, “I will really kill you. That is a commitment (Papatayin ko talaga kayo. Pangako iyan).”

Para naman kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa umanong “big boost” ang panawagan ng pangulo para sa panukalang inihain ng senador noong 2019, na layong ibalik ng parusang kamatayan sa mga traffickers at manufacturers ng iligal na droga.

“Matagal ko na kasing na-file ‘yung death penalty against drug trafficking, but until now it’s languishing at the referred committee kaya malaking boost ‘yung pakikiusap ni Pangulo sa ating Kongreso,” ani Dela Rosa.

Dagdag pa ng senador, “Dapat talagang bitayin ‘yang mga drug lord na ‘yan. Sabi sa’kin ng mga drug lord sa Bilibid, kung gusto raw talaga ng gobyerno mahinto o mabawasan man lang ‘yung drug trafficking, kailangan ibalik daw talaga ‘yung death penalty.”

Pinabulaanan naman ni “Bato” na kontra mahihirap ang death penalty dahil wala umanong “small-time” na drug trafficker, at ang mga drug lords ay puwedeng kumuha ng mahuhusay na abogado.

Tinuligsa naman ang panukalang ito ng mga kritiko dahil mas malaki ang tsansang patayin ang mga mahihirap kumpara sa mga mayayamang inmates.

Mayroon din umanong mataas na rate ng judicial errors, na posibleng magresulta sa kamatayan ng mga inosenteng tao.

LATEST

LATEST