PRRD, inutusan ang DSWD at DILG na tugunan ang mga PUV drivers na hindi nakatanggap ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan na suriin ang mga inihaing reklamo ng ilang drayber ng pampublikong transportasyon tungkol sa hindi nila pagkakatanggap ng ayudang pinansyal habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binanggit ni Duterte ang Pantawid Pasada Program na nagbigay ng cash assistance para sa mga drayber ng pampublikong transportasyon.

There are complaints that some drivers did not receive any assistance at all. I have directed the DSWD and the DILG to look into this (May mga reklamong hindi umano nakatanggap ng ayuda ang mga drayber. Inatasan ko na ang DSWD at DILG na tignan ito),” ani Duterte.

Ang pampublikong transportasyon, kabilang ang mga jeepney at bus, ay sinunspinde dahil sa pagpapatupad ng quarantine protocols mula Marso hanggang Hunyo para mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Dahil walang kinikita, napilitan ang ilang drayber na mamalimos sa lansangan para may maipangtustos sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya.

Ang mga jeepneys ay nagbalik-operasyon lamang nitong buwan.

LATEST

LATEST